The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan

Chapter 2



Chapter 2

“I DON’T know about yours but my time is really important, Mr. McClennan,” pormal na sinabi ni Yalena

nang ilang minuto na ang lumilipas ay hindi pa rin pinapaandar ni Ansel ang kotse nito sa halip ay

nanatili lang na nakatitig sa kanya na parang sinasaulo ang bawat anggulo ng kanyang mukha.

Nang hindi na matagalan ni Yalena ang pagtitig ng binata ay ibinaling niya sa bintana sa gawi niya ang

kanyang mukha. Kahit nakasuot siya ng dark glasses, pakiramdam niya ay nanunuot pa rin sa kanyang

sistema ang mga titig ng binata na para bang pilit na binabasa ang pagkatao niya. Napapagod na

naisandal niya ang likod sa upuan. Hindi niya inaasahang si Ansel kaagad ang bubungad sa kanya

kanina. Mabuti na lang at kahit paano ay mabilis din siyang nakabawi pero hindi niya sigurado kung

hanggang kailan makakayanan ang presence nito.

Malaki at malawak ang receiving area ng McClennan Corporation. Pero parang sumikip at lumiit iyon

sa pagdating ni Ansel lalo na sa mga sandaling iyon na nasa loob sila ng sports car nito at silang

dalawa lang ang tao roon. Everything about the man beside her caused her pain… from his face down

to his surname. Carbon copy ni Benedict si Ansel.

Sa tatlong anak ng matandang lalaki ay si Ansel ang pinakakamukha nito. Ang kulay lang ng buhok ng

binata ang nakuha nito sa inang si Alexandra, itim na itim iyon at hanggang balikat nito. Pero ang mga

mata, ang mga kilay, ang ilong, ang mga labi, ang kulay pati na ang taas ay katulad na katulad ng sa

ama nito. Iyon ang dahilan kung bakit sinadya ni Yalena na magpahuli sa kanilang misyon nina Clarice

at Maggy.

Kung tutuusin sa simula pa lang ay nandaraya na si Yalena kaya siguro iyon ang sinapit niya. Nakarma

siya at ngayon ay naiwang nag-iisa sa paghahanap ng hustisya para sa kanyang mga magulang.

Sinadya niyang tumanggap ng panibagong kaso noon kaysa ang mauna sa pagbabalik sa Pilipinas

para harapin ang mga anak ni Benedict. Pinili niya ang litrato noon ni Ansel dahil sa dalawang dahilan.

Una ay para mas maging katanggap-tanggap para kina Maggy at Clarice ang misyon ng mga ito dahil

hindi gaanong nahahawig sina Alano at Austin kay Benedict. Pangalawa ay dahil nakasisiguro siya na

kaya niyang makahanap ng paraan na magtagumpay sa sariling misyon ng hindi na kinakailangang

akitin pa ang panganay na anak ni Benedict. Kampante siya na makagagawa ng paraan kung

magagawa ring magtagumpay nina Maggy at Clarice sa misyon ng mga ito.

Abogada siya. Tiwala si Yalena na kung makahahanap lang sina Maggy at Clarice ng sapat na mga

ebidensiya mula sa kanilang target ay makahahanap din siya ng paraan para magsampa ng kaso.

Determinado siyang kalampagin ang langit at lupa para lang mapaamin si Benedict sa mga kasalanan

nito, para sa wakas ay pagbayaran na ang mga ginawa nito.

Pero hindi nakapaghanda si Yalena sa mga sunod-sunod na nangyari. Una ay ang natuklasang sakit ni

Benedict. Pangalawa ay ang namuong pag-ibig nina Maggy at Clarice para sa mga anak ni Benedict.

And now, there she was, alone and helpless in a car with her enemy’s exact look-alike.

Alam ni Yalena na kung gugustuhin niya lang ay makaiisip pa siya ng ibang paraan huwag lang

makarating sa building na iyon, huwag lang mapunta sa sitwasyong kinasusuungan nang mga

sandaling iyon na kasama si Ansel. Pero anumang hakbang na gawin niya ay manganganib pa rin ang

kanyang buhay.

Ayaw niyang isugal nang husto ang kanyang buhay. Ayaw niyang matulad sa mga nangyari sa

kanyang mga magulang. Ayaw niyang iwanang nag-iisa si Maggy sa teritoryo ng kanilang mga kaaway

at higit sa lahat ay hindi pa siya nakahandang mamatay lalo pa at marami pa siyang kailangang gawin.

It was like choosing between the devil and the deep blue sea. And she chose the latter. She jumped

into the unknown.

“Magkaliwanagan nga tayo, Attorney. Unang-una, hindi ako basta driver lang dito. In short, I am not

your slave here. Ako ang isa sa mga may-ari ng kompanyang pinuntahan mo. Bukod pa roon ay isa rin

ako sa mga kapatid ng asawa ng kakambal mo—”

“So, what are you trying to imply—”

“I am not yet done talking.” Bahagyang dumiin ang boses ni Ansel. “Let me finish first.”

Biglang natahimik si Yalena. Dahan-dahang bumalik ang tingin niya kay Ansel. She hated herself when

she suddenly felt jumpy. Pakiramdam niya ay may bahagi sa kanya ang nakalampag ng binata.

Kumabog ang kanyang dibdib nang bahagyang ilapit nito ang sarili sa kanya.

“I was just being a true-blue gentleman when I offered to take you to your sister. Ngayon lang ako nag-

alok nang ganito sa isang kalahi ni Eba pero sumusobra ka na. Sa loob lang ng ilang minuto, ilang

beses mo akong binara, pinahiya mo rin ako sa harap ng staff ko at higit sa lahat, kanina pa ako

inaamag sa paghihintay ng simpleng pasasalamat mula sa `yo sa pagbibigay ko ng ganitong pabor

pero ni hindi mo man lang ginagawa. Is it too much of a burden for you to say ‘thank you’?”

“All right.” Marahas na napabuga ng hininga si Yalena. “Iyon lang pala ang problema. Hindi mo naman

sinabi agad,” sarcastic na sagot niya. “Thank you very much, Mr. McClennan. I am truly honored to

receive this kind of favor from you.”

Sarkastiko ring ngumiti ang binata. “Very well said. You are most welcome, Attorney.”

Napaatras si Yalena nang muli ay ilapit ng binata ang mukha sa kanya.

Ngumisi si Ansel. “Whether you admit it or not, Attorney, you need me.” Inalis nito ang sun glasses

niya. Mayamaya ay hinawakan ang kanyang baba at iniangat ang kanyang mukha paharap dito. “Allow

me to properly introduce myself. I am Ansel McClennan, Austin’s older brother,” anito bago mabilis na

sinakop ang kanyang mga labi.

Natulala si Yalena. It was a slow and sweet kiss as if Ansel was just aiming to taste her lips. Pero hindi

na niyon pinatigil sa mabilis na pagtibok ang kanyang puso. Ilang segundo lang ang itinagal niyon

pagkatapos ay bahagyang lumayo na sa kanya ang binata.

“I was about to offer a hand shake again but I was afraid that you’d reject me again. That’s why I

offered a kiss instead.” Pilyong ngumiti si Ansel at mabilis na isinuot sa kanya ang seat belt bago ito

bumalik sa pwesto. Isinuot nito ang sariling seat belt at nagsimula nang imaniobra ang kotse. Pero

ilang sandali pa lang ang nakalilipas nang lingunin siya ng binata. “It was nice to finally meet you,

Attorney Yalena de Lara. And oh, I love your lips. They are the sweetest I’ve ever kissed. And they

taste exactly as they look…” Bumaba ang mga mata nito sa kanyang mga labi. Hindi nakaligtas sa

kanya ang paggalaw ng Adam’s apple nito. “Tempting.”

Hindi na nakapagsalita pa si Yalena. Muli niyang ipinaling ang ulo sa labas ng bintana. Iyon ang

kanyang unang halik. At ngayon ay sobra ang naging pagsisisi niya.

She should have just dealt with the devil than swam in the deep, blue sea. Damn, damn, damn!

“MAGGY!” Agad na pumaloob si Yalena sa nakabukas na mga braso ng kakambal nang makarating

siya sa kwarto nito at ni Austin. Naabutan niya itong para bang hinang-hina habang nakasandal sa

kama. Mabilis na tumayo si Austin na katabi ng kanyang kakambal nang makita siya. Binati siya nito

pero hindi niya ito pinansin. Hindi niya alam kung darating pa ang araw na magagawa niyang

tanggapin ang lalaki sa ngalan ni Maggy.

Matagumpay na nailigaw ni Ansel ang itim na sasakyan na sumusunod sa kanila. Habang nasa daan

sila ay ilang ulit na pilit na nagbukas ng usapan ang binata pero isa man sa mga sinabi nito ay hindi

niya sinagot. Pero naalarma siya nang mabanggit nitong kaya hindi nakapasok si Austin nang araw na

iyon ay dahil masama ang pakiramdam ni Maggy.

Bahagya siyang lumayo mula sa kakambal at pinakatitigan ito. Hinaplos niya ang mga pisngi nito.

Namumutla ito. “How have you been? Masama daw ang pakiramdam mo?”

Nasorpresa siya nang makita ang pangingilid ng mga luha ng kakambal.

“It’s because of you!” Mahigpit na hinawakan ni Maggy ang mga palad ni Yalena. “Noong nagdaang

araw lang tayo nag-usap. Bakit mo inilihim sa akin? Radha found a way to know what has been

happening in your life. Nag-imbestiga siya sa Los Angeles. She’s also concerned about you. Sinabi

niya sa akin na pinagbabaril daw ng mga armadong kalalakihan ang apartment mo sa L.A. At lahat

nang ‘yon ay kaninang umaga ko lang nalaman. Yalena!” Pumiyok ang boses nito kasabay ng pagtulo

ng mga luha. “You could have gotten yourself killed! I could have lost you without knowing anything

about it!” Napuno ng guilt ang mga mata ng kapatid. “I am so sorry, Yana.”

Agad na naglaho ang lahat ng sama ng loob ni Yalena sa kakambal. Ganoon naman sila parati. May

mga pagkakataong hindi sila nagkakasundo pero hindi rin iyon nagtatagal. Masuyong pinahid niya ang

mga luha ni Maggy. Hindi niya pa ito nakitang ganoon kaemosyonal. Siguro ay dala na rin iyon ng

pagbubuntis nito. Ngumiti siya rito. “Hindi ko na sinabi dahil alam kong mag-aalala ka. Besides, I’m still

alive. You have nothing to worry about, sis.”

Napasigok si Maggy at muling niyakap si Yalena na parang sinisiguro na totoo ngang nasa harap siya

nito. “I don’t want you to ever come back to your job, Yana. Hindi ko na kakayanin kapag pati ikaw ay

mawawala pa.”

Hindi na nakasagot si Yalena dahil ayaw niyang mangako sa kakambal ng isang bagay na hindi niya

sigurado kung kaya niyang panindigan. Nang pakawalan siya nito ay lumuhod siya sa sahig at hinaplos

ang pipis pang tiyan ng kapatid. May kung anong nagbara sa kanyang lalamunan.

Dapat ay mag-celebrate siya. Sa wakas ay meron na siyang magiging pamangkin. Madadagdagan na

sila. Hindi na silang dalawa lang ni Maggy ang magiging magkamag-anak sa mundo. Pero hirap na

hirap siyang makaramdam ng saya lalo na at nahaluan na ng dugo ng McClennan ang kanilang lahi;

ang dugo ng mismong anak ng lalaking dahilan kung bakit maaga silang naulila ng kanyang kakambal.

Napayuko siya. Sumubsob siya sa mga hita ng kakambal at tahimik na lumuha.

What happened to us, Maggy? What happened to our plans?

“DO YOU normally hate everyone?”

“Of course not. Everyone’s not a McClennan like you so why would I hate them?”

Naglaro sa isip ni Ansel ang huling palitan nila ng mga salitang iyon ni Yalena bago ito bumaba ng

kanyang kotse nang makarating na sila sa mansiyon. Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na

makasagot dahil nagdere-deretso na ang dalagang dragon papasok sa mansiyon. Bukod pa roon ay

hindi niya rin alam kung ano ang dapat na sabihin.

When Yalena said those words, it was as if… she really meant it. Narinig niya ang pinaghalong pait at

hapdi sa boses nito. Gaano ba kalaki ang pagtutol ni Yalena kay Austin para sa kakambal nito para

magkaganoon ito? Pero ano ba ang nagawa ng kapatid niya?

Napakaraming tanong ni Ansel at isang araw ay sisiguraduhin niyang matutuklasan ang kasagutan sa

mga iyon. Punong-puno ng hiwaga ang pagkatao ni Yalena. Napakalakas ng dating nito. Parang wala

sa karakter ng babae ang titiklop at magpapaubaya para sa isang tao. Pero binigla siya ng

nasasaksihan niya nang mga sandaling iyon. Binigla siya ng matinding pag-aalala at pagsuyo na

narinig at nakita niya mula sa abogada.

Nasa tabi lang sila ni Austin ng kambal pero parang hindi na sila napansin ng mga ito. The mixture of

love and agony in Yalena’s eyes took his breath away. Kitang-kita niya ang pagpatak ng mga luha nito.

Ano ba ang nangyayari?

He suddenly had this intense desire to grab Yalena, take her in his arms and comfort her. Because her

every tear was shaking the hell out of him for reasons he couldn’t figure out. Kay rami ng emosyong

binuhay ni Yalena sa kanyang pagkatao samantalang iilang oras niya pa lang ito nakakasama.

Naiinis siya sa dalaga. Naiinis siya rito sa tahasang pamamahiya sa kanya sa kanyang opisina na

parang ni hindi man lang nito pinagsisisihan. Naiinis siya rito dahil bahagyang bumaba ang

kumpiyansa niya sa sarili sa paraan ng pagtitig nito sa kanya na parang ni hindi siya nararapat na

pagtapunan ng sulyap man lang nito. Mataas masyado ang tingin nito sa sarili.

Yalena was also ungrateful. Hindi ito marunong magpasalamat. Naiinis siya rito dahil parang siya lang

ang naaapektuhan sa naging paghalik niya rito. Naiinis siya sa dalaga dahil hindi maalis-alis sa

kanyang isip ang matatamis at malalambot na mga labi nito. Parang nakapagkit na rin sa kanyang

sistema ang mabining pabango nito. He disliked her because she was making him feel things… all at

once. But she could also make him feel warmth just by looking at her that very moment.

Pakiramdam ni Ansel ay may kung anong humihiwa sa kanyang puso sa nakikitang anyo ni Yalena.

Aabutin niya na sana ang dalaga nang mabilis na pigilan siya sa braso ni Austin. Umiling ito.

Sinenyasan siyang lumabas na muna. Nauna na ito sa pinto. Kahit nag-aalangan ay sumunod siya sa

kapatid.

“Yalena will have to stay with us for a while,” ani Austin habang naglalakad sila papunta sa wine bar.

Nang makarating doon ay agad na kumuha ang kapatid ng isang bote ng alak at dalawang wine glass.

Nagsalin ito at ibinigay ang isang wine glass kay Ansel na tinanggap niya. Pareho silang humila ng

stool at naupo. Matipid itong ngumiti. “What happened earlier?”

Nagkibit-balikat siya. “Bigla na lang siya dumating sa opisina at binulabog ang mundo ng mga

receptionist. Hinanap niya kayo ni Alano. She said that she’s in trouble. May mga sumusunod daw sa

kanya at kitang-kita ko ‘yon kanina.” Sinaid niya ang laman ng wine glass. “Demanding siya. Wala

siyang utang-na-loob at ang angas-angas niya. She seems to be the woman who thinks that she’s the

queen of the world.” Naalala niya ang dahilan ng paglitaw ni Yalena sa kanyang opisina. “But then

again, she’s protective. Parang nagta-transform siya kapag kasama niya ang kanyang kakambal. She

had shown warmth. She adores and loves Maggy.”

Ang sumunod na naalala ni Ansel ay ang mukha ng dalaga. “She’s more than beautiful. She’s more

than sexy. And her lips… they’re more than soft.” Inabot niya ang bote ng alak mula sa kapatid at siya

na mismo ang nagsalin ng laman niyon sa kanyang wine glass. “They’re more than sweet. She has

qualities that make her a scary woman.”

“You need to get to know a de Lara before you get to completely understand them, Kuya Ansel. Kapag

nakilala mo na sila, kapag naintindihan mo na ang dahilan sa likod ng pait na nakarehistro sa mga

mata nila, ang sakit na mababakas sa mga boses nila, malalaman mo na kabaliktaran sila ng mga

negatibong sinabi mo. Gano’n din si Yalena. Oo, nakakatakot pero hindi sila kundi ‘yong mga

mararamdaman mo kapag nakasama mo na sila.”

Sandaling kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang bunsong kapatid. Para itong isang

estranghero kung magsalita. Mayamaya ay napailing siya. Kunsabagay, halos hindi niya na makilala

ang kapatid mula nang makita nito si Maggy. Napakalaki na nang ipinagbago nito samantalang noon

ay puro mga libro tungkol sa mundo ang bukambibig nito. Ganoon din si Alano.

Muling ngumiti si Austin. “Try to understand Yalena. Asahan mo nang magtataray siya, kokontra sa

mga sasabihin natin, at mambabara sa lahat ng pagkakataon sa ating tatlo nina Kuya Alano.”

Bahagyang natawa ito. “Pero hayaan mo lang siyang gawin ‘yon. Let her feel that she has control over

here. Let her be the boss. Kung ano ang gusto niya, pagbigyan na lang natin, Kuya.”

Napamaang si Ansel sa kapatid. “Are you trying to tell me that I should be the one to adjust?”

“No, of course not.” Umiling si Austin. “I’m trying to tell you that you should be the one to understand.

Believe me, Kuya. More than anything else, the twins need compassion and understanding.”

Mayamaya ay malakas siya nitong siniko. “Pero maiba tayo. Ang bilis mo rin, Kuya. You were able to

kiss her on the lips on your first encounter?”

Ansel tried to steady his feet on the floor. May isang partikular na direksiyong gustong puntahan ang

kanyang mga paa pero pinipigilan niya ang sarili. The twins needed privacy. “I want to know that

dragon more, Austin.”

Tumango-tango ang kapatid. “Pero mag-ingat ka, bro. Being in love with a de Lara made me realized

one thing; to know them is to love them.”

Natawa siya. “Love? Aren’t you going too far, brother? Hindi uso sa ‘kin ang pag-ibig. But I’m telling NôvelDrama.Org: text © owner.

you, Austin. I will make that dragon come to me.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.