Chapter 1: Prologue
Chapter 1: Prologue
Alzheimer’s disease, it is something that everyone would desperately try to get away from… but not
me. Nang malaman kong may ganoong uri ako ng karamdaman, natuwa pa ako. Dahil alam kong
magagamit ko iyon para makatakas at para makalimutan ang lahat. Gagaan pa kahit paano ang loob
ko kapag dumating ang panahon na hindi ko na magagawang makapagsulat sa aklat na ito. I will no
longer need an outlet to release the pain. Gustong-gusto ko nang makalimot dahil habang nakakaalala
pa ako, paulit-ulit ko siyang babalikan. Dahil iyon ang parating iuutos ng puso ko at paulit-ulit ko ring
mararanasan ang kamatayan.
It’s a slow death watching Carla fall apart because of me. Subalit makasarili ako. Watching the one you
love fall for someone else hurts. Watching her be happy with someone else hurts even more. Subalit
walang anumang salita na maglalarawan sa sakit na mararamdaman mo sa oras na makita mong
nasasaktan ang ipinangangalandakan mong pinakamamahal mo nang dahil sa kagagawan mo.
I’m sick of dying every single day. Gusto kong kalimutan na sinaktan ko si Carla, na sinira ko hindi lang
ang pamilya niya kundi pati na ang pamilya ng iba. Gusto kong kalimutan na ako ang dahilan kung
bakit nawalan ng mga magulang ang mga batang iyon. I wanted to forget that I am more than a sinner,
that I am a liar, a traitor, a thief, and a murderer. Gusto kong kalimutan ang kwento ng buhay ko para
kapag dumating ang araw na nagkaharap kaming muli ng mga anak ko, magagawa ko kahit paanong
salubungin ang kanilang mga mata kahit nangangahulugan iyon na wala na akong maaalala.
Sa buong buhay ko, dalawang ulit pa lang akong naging masaya. Una ay nang makita ko si Carla sa
kauna-unahang pagkakataon. Pangalawa ay nang maging ama ako nina Ansel, Alano, at Austin. The
rest of my life is filled with tragedy, with memories that I’m too hurt and too embarrassed to remember.
Alam ko na isang araw ay malaki ang posibilidad na mabasa ito ng isa sa mga anak ko. Nakiusap ako
kay Alexandra na itago ang lahat ng mga diaries ko mula pa noon hanggang sa mga sandaling ito. For
a man who had been called an ass, a villain, a terminator, and a cruel businessman, who would have
thought I’d have diaries? Ipinalagay ko ang mga ito sa library. Umaasa ako na isang araw ay maaantig
ang kuryosidad ng mga anak ko para mabuklat ang mga ito, para mahantad ang mga bagay na
kailanman ay hindi ko magagawang aminin sa personal. I want them to be the ones to give justice to
Clarice and the twins, justice that I am never capable of giving.
Alam kong masisira ang pagtingin sa akin ng mga anak ko kapag nabasa nila ang mga ito. Hindi ako
maghahangad ng kapatawaran, kahit ang kapatawaran nina Maggy, Yalena, at Clarice. Wala akong
karapatang maghangad matapos ang lahat. Dalangin ko lang na sana ay matuto sila mula sa aking
mga naging pagkakamali, na kapag nagmahal sila at ginusto ng minamahal nilang lumaya, palayain
nila. As the song goes, she’s yours if she stays. That’s what it feels like to love a woman.
Hindi ako nagmahal nang tama. Hindi ako nagmahal nang nararapat kaya wala ako sa posisyon para
mag-ambag ng mga payo ukol sa pag-ibig. But I do have a lot to say about pain and regrets. And
things get even more painful and regretful if they are involved with the ones we love.
Benedict
Napahugot nang malalim na hininga si Alano matapos mabasa ang huling pahina ng isa sa mga
journals ng ama. Mahigit isang taon na ang lumipas mula nang matuklasan niya ang katotohanan
tungkol sa tunay na pagkatao ng kanyang ama. Pero sariwang-sariwa pa rin ang frustration at sakit sa NôvelDrama.Org holds this content.
puso niya na parang kahapon lang nabasa ang journal na iyon. Nalipat ang atensiyon niya sa
nakababatang kapatid na si Austin nang kunin nito mula sa kanya ang hawak na journal. Katulad ng
iba pang journals ay inilagay din nito iyon sa traveling bag.
Kumunot ang noo niya. “Ano’ng gagawin mo sa mga ‘yan, Austin?”
“May ilang mga entries sa journals na para kina Clarice, Maggy, at Yalena,” ani Austin. “At kailangan
nilang mabasa ang mga ‘yon. I think that was Benedict’s selfish way of asking forgiveness.” Bahagyang
humina ang boses nito. “But the old man is right, Al. Totoong wala siyang karapatang humingi ng
kapatawaran. He doesn’t deserve it, not in this lifetime, at least.” Mayamaya ay ipinilig nito ang ulo at
pilit binago ang takbo ng usapan. “Tumawag pala si Yalena kay Maggy noong isang araw. Darating
daw bukas si Yalena at sa bahay na muna tutuloy. Maggy told her to have a heart.”
Napatango-tango si Alano. Alam niyang tungkol sa magiging paghihiganti ni Yalena ang tinutukoy ng
kapatid, paghihiganti na ngayon ay nakasentro para kay Ansel. “And what did Yalena say?”
“That she didn’t have her heart anymore. Benedict took it away.”
Kahit paano ay nakaramdam ng amusement si Alano nang makita ang pagdaan ng pangamba sa mga
mata ni Austin. “`Wag mong sabihing nag-aalala ka para kay Kuya Ansel? Come on, brother. Kasintuso
siya ni Benedict. Kontrabida ang tingin sa kanya ng lahat sa business society. Others even call him
shark. I’m sure he can handle this situation better than us.”
“Hindi lang naman ako para kay Kuya Ansel nag-aalala. Kundi pati na rin sa ating dalawa, lalo na sa
‘kin. De Laras’ are tough. Kay Maggy pa nga lang ay nahihirapan na ako. Siguradong lalo na kay
Yalena. Haven’t you heard about that criminal lawyer? Mala-dragon daw ‘yon sa loob ng korte. She got
the second highest rank in the bar exam. Matinik na abogada. Wala pa siyang naipapatalong kaso sa
mga hinawakan niya.” Bumuntong-hininga si Austin. “Besides, let’s not underestimate the power of
women. Siguradong pagdaraanan din ni Kuya Ansel ang mga pinagdaanan natin. He may be a shark,
but Yalena, as a well-known dragon, will throw fire at him right before he could catch her.”
“Hmm…” Napasulyap si Alano sa gawi ng library kung saan nakasabit ang family portrait nila. Tumutok
ang mga mata niya kay Ansel, ang panganay nilang kapatid. “So it’s a dragon versus shark. Base sa
mga sinabi mo, parang gusto ko nang maawa para sa pating ng pamilya natin.” Muli siyang napangiti.
“But brother, sharks may be predictable. But the number of their attacks isn’t.” Kinindatan niya ang
kapatid. “I’ve read that somewhere.”