CHAPTER 1: Unang Halik Sa Unang Pagkikita
(Patty)
Saktong natapos ang kanta ng marinig ko ang mga nag-uusap sa labas nitong music room.
"Nasaan na si Prince?"
"Hala! Nasaan na siya?"
"Baka doon siya dumiretso papunta sa may field o 'di kaya doon sa gym."
"Gusto ko na siyang mayakap"
"Ang gwapo gwapo niya," sabi pa ng isa na halatang kinikilig.
"Tara na girls, bilis!"
Narinig kong sigaw ng mga babae sa labas. Nakita ko rin na medyo nakabukas ang pinto kaya nasisilip ko na medyo marami ang mga babaeng nag-uusap sa labas.
"Alam ko naisara ko 'yon kanina ah, bakit nakabukas na?" Napakunot noo ako at marahang ibinalik ang gitara sa pinaglalagyan nito. "Sobra ba akong nadala sa kanta at ni hindi ko man lang namalayan na bukas ang pinto?" Bumaba ako sa mini stage. "Buti na lang pala tapos na akong kumanta bago sila dumating," mahinang usal ko dahil baka marinig ako ng mga tao sa labas saka naglakad papunta sa pinto para sana isara ito ulit ngunit.... Nagulat ako ng may humawak sa kanang braso ko at higitin ng kung sino papunta sa likod ng pinto na kung saan naroroon ang taong humila sa'kin.
"Sino ka?" mahinang tanong ko.
Nahintakutan ako bigla ngunit bakit iba ang kabog ng dibdib ko? Tumayo ang mga balahibo ko sa takot. Sisigaw na sana ako dahil sa sobrang takot at kaba na nararamdaman ko, pero nahulaan yata nito ang balak kong gawin dahil mabilis nitong naitakip ang kanang kamay sa aking bibig bago pa man ako makasigaw. Doon lalo nagkadikit ang aming mga katawan.Content rights belong to NôvelDrama.Org.
"Hmmmp," ungol ko na lang habang nanlalaki ang mga mata.
"Ssshhh! Huwag kang maingay, maririnig nila tayo," bulong nito sa kaliwang teynga ko.
Natigilan ako, hindi natuloy ang balak kong pagpupumiglas dahil sa narinig na boses niya. Nawala ang ano mang pag-aalala ko. Ang lamig sa pandinig ng malamyos niyang boses. Napalitan ang takot na nararamdaman ko ng hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Parang pamilyar ang binata kahit hindi ko pa nakikita ang mukta nito.
Ang mainit na hininga niya na dumadampi sa aking punong-teynga ay unti-unting nagbibigay ng kakaibang kilabot sa buong katawan ko lalo tuloy akong hindi mapalagay dahil doon. Ang mabilis na pintig ng puso ko'y mas lalong bumilis. 'Ano ba ang nangyayare sa'kin?'
"Ang gwapo ni Prince."
Naririnig kong hagikhik ng isang babae sa labas. Panandalian kong nakalimutan ang mga tao sa labas dahil sa binata. Nag-uusap-usap pa rin sila pero ito ay pahina na ng pahina. 'Baka paalis na sila.'
Ngayon ko lamang napagtuo-nan ng pansin ang aming posisyon. Sa narealize parang umakyat lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa buong mukha ko at ramdam kong namumula na ito. Bigla parang uminit ang paligid. Halos magkayakap na kami kung yakap nga bang matatawag ito. Nakadikit ang aking likod sa kanyang malapad na dibdib. Ang matipunong kaliwang braso naman nito'y nakagapos mula sa aking tiyan palibot sa aking beywang, habang ang kanang kamay naman nito'y nakatakip sa aking bibig. Nakasandal ito sa pader habang ako nama'y nakaharap sa likod ng pinto.
Nararamdaman ko mula sa nakadikit niyang dibdib sa aking likod ang kapareho ng tibok ng puso ko. Maging ito pala'y mabilis din ang tibok ng puso. Hindi ko alam kung sa pagod ba 'yon o sa kaba.
Alam kong napaka-tangkad niya kahit hindi ko nakikita. Ramdam ko kasi na nakayuko siya sa aking likuran para magpantay ang aming mga mukha. Halos tumatama na ang baba niya sa aking balikat kaya naman naaamoy ko na ang binata. 'Ang bango niya. Maging ang hininga nito'y mabango rin.' Hindi na ito nagsalitang muli at pinakikiramdaman na lang ang mga tao sa labas.
'I wonder, kung anong amoy ko na ngayon? Baka amoy mandirigma na ako dahil sa buong maghapon na paglilibot sa campus. Nakakahiya! Nasa bandang leeg ko pa naman ang mukha niya. Baka pati buhok ko amoy araw na.' Umasim ang expression ng mukha ko dahil sa isipin na iyon.
"Nasaan na kaya si Prince?"
"Tara tingnan natin sa banda roon."
Iyon na lamang ang aking narinig pagkatapos ay tuluyan ng tumahimik sa labas. Hindi agad ako pinakawalan ng binata at nagpalipas muna kami ng ilang minuto pa para makasiguro na wala na talaga ang mga tao sa labas. 'Sino kaya ang Prince na hinahabol nila? Artista kaya 'yon? Naitanong ko na lang sa aking sarili. At sino ang lalakeng kasama ko ngayon na nagtatago? Siya kaya ang Prince na tinutukoy nila?'
Ang kamay nitong nakatakip sa aking bibig ay marahan na nitong inalis, kasunod ang kaliwang braso na nakagapos sa aking bandang tiyan ay unti-unti na rin niyang tinanggal. Pero hindi siya umalis sa aking likuran, nakadikit pa rin siya pero hindi na tulad kanina.
Marahan akong nagpakawala ng buntong hininga. Feeling ko kasi aatakihin ako sa puso kapag hindi ko nailabas 'yon. Hindi pa rin kumakalma ang puso ko mabilis pa rin ito dahil sa isipin na nasa likod ko lamang ang lalakeng ito. Humakbang ako palapit sa pinto para magkaroon kami ng distansiya sa isa't isa.
Kailangan ko ng umalis ngayon dahil kung hindi makikita niya ang mukha ko na ewan kung normal pa ba. Nakakahiya kung makikita niya akong mukhang ewan, amoy mandirigma na nga ako, mukha pa akong mandirigma. Yayks! Nagpapasalamat talaga ako na madilim sa loob nitong music room kahit na maliwanag sa labas, lahat kasi ng bintana ay nakasarado. Buti na lang talaga at pinatay ko ang ilaw kanina.
Tumingin ako sa naka-awang na pinto mula sa kanan ko. Hahawakan ko na sana ito upang makalabas na, ng may marinig akong nagtatakbuhan palapit dito at huminto ito sa tapat mismo ng pinto na kinaroroonan namin. 'Akala ko ba umalis na sila?'
Naramdaman kong kumilos ng bahagya ang binata sa likuran ko.
"Girls tingnan niyo d'yan sa music room at dito naman kami sa kabila, sa materials room."
'Patay! Makikita nila kami.'
"Shit!" mahina pero rinig na rinig kong mariing turan ng binata.
Nahigit ko ang aking hininga ng hawakan niya ang kanang braso ko mula sa likod at hinigit ako palapit sa kanya paharap at pagpalitin ang aming puwesto. Ang bilis ng pangyayare, ngayon ako naman ang nakasandal sa pader at siya naman ang nasa bahagi ng pinto sa unahan ko. Ang kaibahan lang magkaharap na kami ngayon. Mas napatunayan ko na matangkad talaga siya dahil hanggang balikat lamang niya ako. Ang dalawa niyang kamay ay nakatukod sa pader, sa tigkabilang bahagi ng ulo ko kaya para akong nakakulong sa matitikas na braso niya upang magkaroon kaming dalawa ng distansiya kahit papaano.
Ang puso ko'y nagpa-palpitate na yata sa sobrang bilis ng pintig nito, hindi ako makakilos at hindi na normal ang aking paghinga.
Dahan-dahan akong tumingala upang masilayan man lang ang mukha niya pero dahil sa sobrang dilim wala akong makita kundi ang hugis lamang ng kabuo-an ng mukha nito na alam kong nakatingin din sa aking. Ngayon ko siya mas naaamoy sobrang bango niya very manly pero hindi nakakahilo, 'di tulad ng iba na akala mo ipinapaligo na yata ang pabango.
Narinig ko ang marahan niyang paghakbang muli papalapit sa sa'kin upang hindi tamaan ng pinto.
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Para na akong tuod dito na hindi malaman ang gagawin. Naninigas ang buong katawan ko. Ang mga kamay ko na nasa gilid ng aking beywang ay mahigpit na nakakuyom.
Napasinghap ako ng mas magkalapit ang mga katawan namin dahil sa bahagyang paglapit pa niya. Ang mabilis na pagtibok ng puso nito'y ramdam na ramdam ko. Kaonteng galaw magdidikit na ang aming dibdib dahilan para mas tumindi ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin. Nakalimutan ko na yatang huminga. Feeling ko anytime lalabas na ang puso ko sa dibdib ko, sa sobrang bilis ng pintig nito. Maging ang amoy nito na pinaghalong pabango at pawis ay kanina pa nagpapatuliro ng aking isipan.
'Ang bango niya talaga.' May ganito pala kabangong lalake na nag-e-exist sa mundo? 'Jusko! 'Yong puso ko.'
Pareho kaming nagpipigil ng hininga ng maramdaman namin na nasa pinto na ang isa sa mga babae na naghahanap sa Prince na kanina pa nila binabanggit. Marahan ng bumubukas ang pinto dahilan para mas lumapit ito at halos wala ng distansiya ang aming mga katawan. Hindi na nagiging normal ang tibok ng puso ko para akong nagkaroon ng bikig sa aking lalamunan. Pinagpapawisan na ako ng malapot.
'Huwag naman sana kaming makita.' Piping dasal ko.
Mas lalo itong lumapit sa'kin dahil baka tamaan siya ng pinto at malaman nila na may tao pala dito. Dahil sa ginawa nito tuluyan ng naglapat ang aming mga katawan. Kaya naman halos magrambulan na ang lamang loob ko sa iba't ibang nararamdaman ko ngayon. Ang mainit nitong katawan at ang mabilis din na tibok ng puso nito'y ramdam na ramdam ko.
Hindi sinasadya sininok ako.
'Bakit ngayon pa?'
Naramdaman kong bumaba ang tingin ng binata sa akin.
'Anong gagawin ko?'
Sininok ulit ako sa pangalawang beses. Natataranta na ako. Hindi ko alam kung papaano pahihintuin ito. Baka marinig ng mga tao sa labas at makita kami.
Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Mabilis niyang hinawakan ang tigkabilang pisngi ko at nilapat ang labi niya sa labi ko. Namilog ang dalawang mata ko sa ginawa niya. Hinahalikan niya ako. Pakiramdam ko huminto ang oras at kaming dalawa lang ang tao dito. Ang puso ko'y huminto na yata sa pagpintig.
'Ang first kiss ko.'
Unti-unti namigat ang mga talukap ng mga mata ko at napapikit na lang ako. Nawala na rin ang pagsinok ko, huminto na pero hindi pa rin niya pinaglalayo ang mga labi namin. Hindi gumagalaw at nakalapat lamang iyon pero bakit feeling ko mas higit pa doon ang naranasan ko.
Hindi ko alam kung gaano na katagal na magkalapat ang mga labi namin ng marinig namin ang sigaw mula sa labas.
"Girls! Nakita daw si Prince sa Engineering building."
"Let's go. Bilisan niyo."
Naramdaman kong unti-unti niyang inaalis ang pagkakalapat ng labi niya sa labi ko pero ang mga kamay niyang nakatukod sa pader ay nariroon pa rin.
Ilang sandali pa wala na kaming naririnig sa labas na kahit na ano. Baka tuluyan na silang umalis.
At ako? Ito parang bangag dahil sa nangyare. Para tuloy akong sabog na ewan dahil natulala ako.
Walang kumikilos kahit na sino sa aming dalawa. Natuod na ako at hindi na magawang gumalaw pa. Kahit hindi ko nakikita alam kong ang mukha niya naka tapat pa rin sa mukha ko, nararamdaman ko kasi ang mainit na hininga niya na dumadampi sa mukha ko.
"Anong pangalan mo?"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig. Nahimasmasan ang buong kaluluwa ko na sinapian ng kung ano kanina at napalitan ng pagkataranta sa tanong niya.
Hindi ako nagsalita.
'Hindi niya ako pwedeng makilala. Nakakahiya!'
Umisip agad ako ng paraan kung paano ako makakaalis dito pero paano ko gagawin iyon kung nakakulong pa rin ako sa dalawang braso niya.
Napansin ko na mas umawang ang bukas ng pinto.
Kung bibilisan ko ang takbo hindi niya ako mapipigilan.
Naalala ko ang panyo sa bulsa ko. Kinuha ko iyon at dahan dahang itinali sa buong ulo ko para matakpan din ang mukha ko.
Hindi niya siguro inaasahan ang gagawin ko kaya naman mabilis lang akong nakalusot sa ilalim ng braso niya at diretchong labas ng pinto. "Sandali! Huwag kang umalis," habol na sabi nito sa'kin. "Miss. Sandali lang."
Kahit na naririnig ko ang sigaw niya hindi ako huminto sa pagtakbo o lumingin man lang sa kanya.
Halos madapa ako sa kakatakbo dahil sa pagmamadaling makaalis na sa lugar na ito baka kasi masundan pa niya ako.
Hindi ko alam kung bakit nga ba ako tumatakbo. Ewan! Nalagyan na yata ng hangin ang utak ko at hindi na makapag-isip ng matino.
Hingal na hingal ako ng makarating sa gate. Akalain mo nakarating agad ako sa gate samantalang sa ilang araw na paglilibot ko dito palagi akong nahihirapan na hanapin ang gate na 'to.
Huminto ako nang sa tingin ko'y hindi naman niya ako nasundan. Napabuga ako ng hangin saka yumuko at tinukod ang dalawang palad sa tigkabilang tuhod sa sobrang hingal.
Makalipas ang ilang sandali tumayo na ulit ako ng maayos at tinanggal ang panyo na nakatali sa ulo ko. Tinupi ko ito at ibinalik sa bulsa ng pantalon ko.
Nanghihinayang ako na hindi ko man lang nakita ang mukha ng kumuha ng first kiss ko.
"Ang first kiss ko."
Nag-init ang magkabilang pisngi ko ng maalala ang halik na naranasan sa total stranger na iyon.
Naririto lang naman ako sa university na ito upang magpasa ng mga requirements ko dahil sa pagtransfer pero akalain ko bang may kukuha ng first kiss ko tapos sa total strager pa dahil lang sa pagkanta ko sa madilim na music room na iyon, ni hindi ko man lang nakita ang mukha at maging ang pangalan nito hindi ko alam. Saklap!