Chapter 7
Chapter 7
"SHALL we go?" Madilim ang anyong tanong ni Throne kay Christmas. Pero hindi sumagot ang dalaga
sa halip ay nanatili lang na gulat na nakatingin sa kanya, ang mga mata ay tila kay raming gustong
iparating, kay raming gustong tukuyin, kaya naglihis siya ng tingin. Dahil siya man ay naguguluhan sa
estado ng sariling damdamin.
Hindi niya maintindihan kung bakit kahit tambak ang trabaho sa opisina ay nagagawa pa ring sumingit
ng magandang mukha ni Christmas sa kanyang isip. Hindi ito tumawag sa kanya nang araw na iyon na
kadalasang ginagawa nito para lang magkwento ng mga bagay-bagay na nangyari rito kapag hindi sila
nagkikita. He never thought he would miss her angelic voice, the funny way she laughed and the
delight in her voice as she shared her stories that never seemed to end.
Nang hindi na natagalan ay maagang umalis si Throne ng opisina para lang makita si Christmas na
may kasamang iba. And for the first time in his life, he was threatened.
"Pero ang akala ko, wala pa siyang boyfriend."
Naniningkit ang mga matang hinarap niya ang guwardiya. "Meron na ngayon. Now, excuse us but
Christmas and I have to go. May date pa kasi kami ng girlfriend ko."
"Pero, Throne, nakakahiya naman kay Seth na-"
"At ano namang nakakahiya?" Muli niyang nilingon ang guwardiya. "Okay lang naman sa 'yo, 'di ba?
Sa susunod mo na lang siya kausapin," aniya at hinila na palabas ng Brylle's si Christmas.
"Get in," nagtitimping wika ni Throne nang makarating sila sa parking lot. Maagap namang sumakay sa
kotse ng dalaga si Rodrigo sa pag-aakalang makakaalis din kaagad sila.
"That was harsh, Throne," sa halip ay tila galit na sinabi ni Christmas. "Mabuting tao si Seth. Hindi mo
siya dapat tratuhin nang gano'n."
Hindi napigilan ni Throne ang pagtaas ng kanyang boses. "Bulag ka ba? That man has his eyes on
you!"
"At ano naman sa 'yo?" Natawa nang mapakla ang dalaga. "Ah, boyfriend nga pala kita. Huli na pala
ako sa balita. Hindi ko man lang nalaman 'yon agad."
He gritted his teeth. "Then forgive me for assuming that we already have an understanding just
because we kissed most of the time." Marahas siyang napabuga ng hangin para supilin ang sakit na
bigla niyang naramdaman. Heck, he should be the one to inflict pain on her and not the other way
around!
"Tell me, Chris," aniya sa nagbabagang boses. "Do you actually do that to every stranger you meet?
Hahalikan mo siya, makikipag-date ka sa kanya, pagkatapos ay mag-e-entertain ka ng iba kapag
nakatalikod na siya? Ano na nga ba ang kasabihang 'yon? Collect then select?" Sa isang iglap ay
umigkas ang palad ni Christmas sa kanyang pisngi.
The pain in her eyes took his breath away. Lalapitan niya na sana si Christmas nang magtatakbo ito at
sumakay sa sariling sasakyan.
Nasipa ni Throne ang gulong ng kanyang kotse. "Damn it!"
"YOU MADE her cry? Aba'y bakit para kang nagluluksa? We should celebrate, Throne! Nag-level up ka
na."
Humigpit ang pagkakahawak ni Throne sa wineglass na puno ng alak na iniabot sa kanya ni Brylle.
Bigla ay gusto niyang pagsisihan na ang bahay ng pinsan ang naisipan niyang puntahan pagkatapos
nilang magtalo ni Christmas. But he was lost. Where else could he go? Ni hindi niya makausap si
Cassandra bukod sa wala rin siyang ideya kung ano ang ibabalita sa kapatid kung sakali.
Bago sa kanya ang mga ganoong nararamdaman. He was always the only man in his world. Palagi
siyang may kontrol sa sarili. Pero nang dumating si Christmas, para bang napakadali para sa dalaga
na makihati sa mundo niya at alisin ang kanyang kontrol hanggang sa halos hindi niya na maalala kung
sino siya. And he hated it. He hated it more when despite the pain that he was going through, he still
could not help but be affected by her pain.
Inisang-lagok lang ni Throne ang laman ng wineglass pagkatapos ay ibinaba na iyon sa center table.
Isinandal niya ang ulo sa couch at hinilot-hilot ang noo, ipinikit ang pagod na mga mata para lang
mapamulat din kaagad nang biglang maglaro sa kanyang diwa ang luhaang anyo ng dalaga.
You're jealous, you fool, sa kauna-unahang pagkakataon ay pag-amin ni Throne sa sarili habang
inaalala si Christmas. Pero nang ang kapatid naman ang sumagi sa kanyang isip ay naihilamos niya
ang mga palad sa kanyang mukha. Shit!
"Why in the world do you look so glum? Para kang teenager na na-brokenhearted for the first time-"
Agad na napalingon si Throne pagkarinig sa naninitang tono ni Brylle. Parang natuklaw ng ahas ang
itsura ng kanyang pinsan habang nakatitig sa kanya. Natigilan din siya.
"I'm just upset," aniya pagkalipas ng mahabang sandali. "Pero wala naman nang bago ro'n. Everything
in my life has just been so damned upsetting from the very beginning." Walang buhay na natawa siya.
"Hell, nakakapagod din pala, bro. Sa kauna-unahang pagkakataon, parang ang sarap tumakas. For the
first time in my entire life, I desire to be somebody else."
"This Christmas Llaneras... what's she like?" imbes ay tanong ni Brylle.
"I love the way she talks, man." Mahinang sinabi ni Throne pagkatapos ay mariing ipinikit ang mga
mata. He shut off all his emotions and just focused at the very lovely woman he was seeing in his mind
right at that very moment. Hinayaan niya ang sariling malunod sa nakikitang itsura ni Christmas sa Content © NôvelDrama.Org 2024.
kanyang isipan.
"Kung makapagsalita siya, para bang walang imposible sa mundo. And I love her smile, bro. It's
contagious." Ilang sandali pa ay sumilay ang kauna-unahang sinserong ngiti sa mga labi ni Throne.
"She's a woman who's just so full of surprises." Bahagya siyang natawa nang maalala ang sinabi ng
dalaga nang minsang batiin at ngitian siya ng mga trabahador nito sa ipinatatayong restaurant na hindi
niya ginantihan. Malakas na tinapik siya ni Christmas sa braso.
He gave her a puzzled look. "What?"
Pinaningkitan siya ng mga mata ng dalaga. "We should always smile and be nice to our fans."
"Palagi siyang may nakahandang ngiti para sa lahat ng tao. But there's this one smile of hers that
stands out. It's the look in her eyes that makes that smile so damned beautiful. That's the smile I don't
wanna share. Dahil kapag ngumingiti siya sa 'kin nang gano'n, pakiramdam ko, akin ang mundo."
Amused na natawa si Throne. "Para din siyang bata. Naliligo pa rin siya sa ulan hanggang ngayon. At
alam mo bang-"
"Hell, I should have taught you about love one-o-one first before we proceeded to implanting your
revenge plan."
Naaalarmang nagmulat si Throne. Nilingon niya ang gulat na anyo ni Brylle. Naglaho ang ngiti niya.
"Sumabak ka na kaagad sa giyera, kapos ka pa pala sa bala. Nadale ka tuloy."
"What the heck are you talking about-"
Napailing ang kanyang pinsan. "Lesson number one, when you love, you see the other side of you.
The weaker side."